Picture
NANGILID ANG LUHA namin pag-unveil sa poster ng Eye Bank Foundation. Pati si Daddy Gerry Perez at si Mommy Marivic, hindi maalis-alis sa nakangiting larawan ni AJ Perez ang kanilang tingin.

Si AJ ngayon ang poster boy ng Eye Bank Foundation kung saan siya ang simbolo ng bawat eye or cornea donor.  Dalawang nilalang nga ang nabiyayaan ng kanyang cornea na nandu’n din sa launching para personal na magpasalamat sa magulang ng namayapang aktor.

Um-attend din ang mga kaibigan ni AJ na sina Jessie Mendiola, Joseph Marco, Enrique Gil at iba pa bilang pagsuporta sa kanilang kaibigan.

Isa rin itong paraan para hikayatin ang mga tao na magsuksok ng card ng Eye Bank Foundation para pag dumating ang time na kukunin na ni Lord eh ido-donate na lang ang cornea o ang mata sa Eye Bank.

Maging kami ay kumuha na rin ng donor card, pero siyempre, ipinagpe-pray pa rin namin na saka na, after 50 years, Lord, ha? Ang liliit pa ng mga anak ko, hahaha!

Nakiusap talaga ke Lord? Hahahaha!  Love You, Lord!



Oh My G.
Ogie Diaz
http://www.pinoyparazzi.com/aj-perez-dalawang-buhay-ang-binigyan-ng-maliwanag-na-bukas/





Leave a Reply.