Picture
ANG yumaong ABS-CBN young actor na si AJ Pe­rez ang “poster boy” ng Eye Bank Foundation of The Philippines para sa kanilang A Vision To Live On campaign na ni-launch kahapon sa Annabel’s restaurant sa Morato Av., Quezon City.

Um-attend sa launch na ‘yon ang mga magulang ni AJ na sina Gerry at Marivic, pati ang kapatid niyang si Gelo Perez.

Sumuporta rin ang Star Magic talents na sina Enrique Gil, Jessy Mendiola at Young JV pati si Steven Silva.

Si AJ ang napiling “poster boy” para sa campaign na ‘yon dahil ang cornea ng kanyang mga mata ay idinonate ng kanyang mga magulang sa Eye Bank Foundation of The Philippines.

Dalawang tao ang nakinabang sa mga ‘yon, ang eight-year old na si John Daniel de los Santos at si Lawrence Villanueva (na birthday kahapon at 28 years old na).

Parehong nasa event na ‘yon ang dalawang reci­pient ng cornea ng mga mata ng yumaong young actor.

Ayon kay Daddy Gerry, masaya siya na kahit yumao na si AJ ay nananati­ling nakakatulong pa rin ito sa kanyang kapwa.

Sa pamamagitan ng A Vision To Live On campaign ng Eye Bank Foundation at sa tulong ni AJ bilang “poster boy” ay umaasa ang nasabing foundation na marami pang magsa-sign-up para sa kanilang “donor card” para sakaling mag-“goodbye” na sila sa mundong ito ay mapakinabangan pa rin ang cornea ng kanilang mga mata.

Sa mga gustong mag-sign-up para sa donor card ng Eye Bank Foundation, puwede kayong tumawag sa 302-6282 o mag-log-on sa kanilang website: www.eyebankphil.org

Samantala, pagkatapos ng event na ‘yon ay nag-coffee kami nina Daddy Gerry, Mommy Marivic, Gelo at nina Suzette at Arnold Ayson na mga magulang ng dating girlfriend ni AJ na si Steph, at ang dating handler ni AJ na si Gidget de la Cuesta.

Nabanggit sa akin ng mga magulang ng yumaong young actor na natutuwa sila na ang mga dating kasamahan ni AJ sa showbiz ay palagi pa ring nakasuporta sa kanila at pati sa event na ‘yon ay nagpunta pa rin.

Naikuwento rin sa akin ni Daddy Gerry na imbitado sa Star Magic Ball sa Set­yembre 3 ang kanyang bunso.

A-attend doon si Gelo kasama ang da­ting girlfriend ni AJ na si Steph.

-JUN LALIN

Source: ABANTE TONITE

http://www.abante-tonite.com/issue/aug2511/showbiz_jl.htm


Ruena Ancheta
10/3/2011 06:57:23 am

Hi!!, like what i said so many times i am willing to help ang Foundation niIDOL i am not joking at all ,I need to know when. ,MAHAL NA MAHAL namin si AJ kahit wala na siya kaya supportado ako.ALALA kay Aj ,we miss him so much.

Reply



Leave a Reply.